The Legend of Orcus, ang Ika-15 Planeta Chapter 1

Spread the love

Mula sa layong 4. 7 bilyong milya mula sa haring araw, nakabitin ang planetang Orcus. Ito’y may layong 4.4 bilyong milya mula naman sa planetang mundo o earth.

Ang naturang planeta’y kulay abuhin na mayaman sa tubig. Nang matuklasan ng mga astronomers ay tinawag ang naturang kulay grey na planeta na Orcus 90482 na mayroong buwan na tinatawag na Vanth.

Ang isang rebolusyon nito o kabuuang pag-ikot sa araw ay 248 taon na katumbas ng 365 araw sa planetang Earth. Tinatawag itong ika-15 planeta sa sistemang solar.

May naninirahang ibang nilalang sa naturang planeta na tinatawag na Orcusa na ang kawangis ng mga tao.

Subalit, ang kulay ng kanilang balat ay grey at lila naman ang kulay ng kanilang buhok at iris ng mata at dugo.

Ang katamtamang taas nila ay nasa 6 na talampakan at ang pinaka-mataas ay mga nasa 9 na talampakan. Karaniwang hugis parisukat ang kanilang mga tahanan. Kung ang isang bahay ay may dalawang palapag o tatlo, ito ay may elevator na yari sa batong topaz na kulay lila.

Ang mga taga-Orcus na kabilang sa maharlikang angkan o klase ay tinatawag na Delcoz, Avagath ang mga nasa middle-class at ang mga mababa naman ay tinatawag na Cadazdeva.

Ang mga mahihirap na klase lamang ng taga- Orcus ang gumagamit ng hagdanang yari sa marmol at batong topaz na kulay bughaw.

Ang kanilang sibilisasyon ay tinatawag na Efhareden na pinaghaharian ni haring Urza na pinaniniwalaan ng kanyang mga kalahi na anak ng diyos. Ang kanyang reyna ay si Fealdeza na mula sa maharlikang angkan. Si haring Urza ay may tatlong anak. Dalawang lalaki at isang babae. Ang panganay ay si Parezza, babae. Ikalawa ay si Zipto, at ang bunso ay si Geliab.

Mas modelo at angat ang teknolohiya ng mga taga- Orcus sa planetang mundo. Sa kanilang aparato o monitor, nakikita nila ang planetang mundo at ang mga tanawin dito. Kaya din ng kanilang sasakyan na maglakbay sa mundo na tumatagal ng 248 taon o katumbas ng isang taon sa mundo.

Si Abub ang kinikilalang diyos ng mga taga- Orcus na ayon sa kanilang kasaysayan ay nilalang ni Abub ang planetang Orcus ng mas maaga ng 500,000 libong taon bago pa lalangin ang daigdig.

Pinaniniwalaan ng mga taga- Orcus na si Abub ay diyos ng tubig at kasaganaan. Ang kalaban nito ay si Hedraz na isang fallen angel na kaalyado ni Lilith o ni Succubi, isang babaeng nagbabalatkayong isang maganda at kaakit-akit na babae. Si Succubi ay kabit ni Hedraz maliban pa sa ibang babaeng demonyo.

Si Hedraz ay nagbabalatkayong ng isang pigura na may anyo ng isang kambing na may katawan ng isang tao at may pakpak ng paniki na mahilig sa kamunduhan o pagtatalik.

Noong ika- 800,000 taon ng kasaysayan ng planeta, o katumbas ng 3,174 taon sa ating panahon, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng hukbo ni Hedraz at ni haring Urza sa bundok ng Anva. May 112,000 kawal ang hukbo ni Hedraz na pinamumunuan ng heneral na si Ailax at 180,000 naman ang hukbo ni haring Urza.

Sa naturang labanan ay tumulong ang diyos ng kalaliman na si Estruscan na nanananahan sa planetang Pluto sa panig ni Hedraz. Pumanig naman ang demi-god na si Tuchulsa na tagapagbantay ng sagradong bulkan ng Vesuvius sa panig ni haring Urza kung kaya nagapi ang hukbo ni Hedraz.

Ang mga nahuli at nasukol na mga kawal ni Hedraz sa pamumuno ni Ailax ay ibinilanggo sa isang piitan sa isang islang disyerto ng Amarthel na may layong 250 kilometro mula sa Efhareden. Ang bakod at pader ng naturang piitan ay may hurno na may taas na 70 talampakan sa apat na direksiyon. May naka-monitor ding apat pang-himpapawid na sasakyan sa bawat direksiyon na hugis agila. 

Series NavigationThe Legend of Orcus ( Ang ika-15 Planeta) Chapter 2 >>
Recommended1 recommendationPublished in Action, Mystery, Science Fiction

Spread the love

This Post Has 4 Comments