SONIA

Spread the love

This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of my imagination or are used fictiously. Any resemblance to actual events or persons living or dead, is entirely coincidental.

Sleigh bells ring, are you list’nin’ 

In the rain snow is glistenin’.

A beautiful sight, were happy tonight..

Walking in the Winter wonderland.

Musikang pumapailanlang sa stereo nina Sonia. Malapit na ang pasko at ramdam sa kapiligiran ang pagbabago ng klima.

Abala sa pagdedecorate ng kanilang Christmas Tree ang butihing maybahay.

Masaya ang Pamilya nila Sonia. Hindi man sila ganu’n ka yaman ngunit binayayaan naman s’ya ng Diyos ng asawang mapagmahal. Si Nelson, Manager sa bangko, at siya nama’y may maliit na flower shop. 

Sampung taon na silang nagsasama ngunit hindi pa binayayaan ng anak. Parehong walang deperensya ang mag-asawa. Hindi pa siguro panahon para sila’y magka-supling. 

Kapag may mga importanteng okasyon ay solo nila ang isa’t-isa. Malayo ang kanilang mga kamag anak at pareho silang mga ulila. 

Sobrang sweet na asawa ni Sonia. Minsa’y ginigising ang asawa na may nakahanda nang breakfast in bed. Kapag pasko ay siya rin ang unang gigising dito, suot ang sombrero ni santa clause sabay halik sa asawa at bati ng “Merry christmas, Darling.”

Parang nakokontento na ang mag-asawa sa ganuong sitwasyon.

Ngunit isang araw, nakakahalata si Sonia sa pagbabago ni Nelson. Lagi na itong ginagabi ng uwi, at nagmamadaling umalis ng bahay para pumasok sa trabaho. Bihira na silang magkasabay kumain at kahit mag-date ay hindi na nila nagagawa. 

Nanlalamig na rin ito sa kanya lalo na sa usaping sexual. Hindi n’ya maintidihan kung ano ang nangyayare sa asawa. May ibang babae kaya ito? Nagtataksil kaya ito sa kanya?

Isang araw, binisita si Sonia ng kaibigang si Jhefherly o Jhef.

    “Friend, bakit ang tamlay mo yata ngayon? Para kang lantang gulay na hindi nadiligan, may problema ba?” 

     “Ayoko sanang mag isip ng masama sa asawa ko, friend, kaya lang… parang iba na eh.” 

  “Anong ibig mong sabihin?” Nakakunot pa ang noo ni Jhefherly at nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan.

       “Si Nelson kasi parang hindi na siya ‘yong dating asawa ko na…alam mo na.”

         “So anong duda mo, na may ibang babae na siya? Baka naman napaparanoid ka lang kasi sobrang busy n’ya, tapos ikaw, ,’yong flower shop naman nag inaatupag mo. Mag unwind ka naman kasi paminsan minsan, friend. Sama ka sa amin ni Jovilyn.” Panghihikayat ni Jhefherly sa kaibigan.

      “Baka nga napapranoid lang ako. Sige, tawagan n’yo ako kung may gimik kayo ni Jovilyn ha, para makapag-relax naman minsan.” Nakangiti na nitong sabi sa kaibigan. Ngunit ‘di parin nawawala sa isip ang alalahanin.

Isang linggo pa ang lumipas. Nagpaalam si Nelson sa asawa na mag oovertime dahil magkakaroon ng Audit sa bangkong kanyang pinagtatrabahuan. Marami daw s’yang dapat asikasuhin bago ang nasabing financial audit. Tumango si Sonia tanda ng pagsang-ayon.

Pag alis ng asawa ay agad nyang tinawagan si Jhefherly para magtanong kung may lakad silang magkaibigan.  Balak n’yang sumama para naman makapag unwind.

 Tutal wala naman ang kanyang asawa. At kung gagabihin man ito ng uwi, malamang mauuna pa siya dito kahit sumamang gumimik.

Unang nagyaya si Jovilyn sa mall. Malapit na kasi ang pasko. Maraming sale na pwedeng pang regalo kaya pati si Sonia ay namili na rin. Pagkatapos ay nanuod sila ng sine. Bihira lang maki-bonding si Sonia sa mga kaibigan kaya sinulit naman nya.

Tamang tama at dinner time na no’ng lumabas sila ng sinehan kaya naghanap ng medyo cozy na restaurant o fast food.

Habang umuorder si Jhefherly ng kanilang hapunan ay naghanap naman sila ng mauupuan. Doon pumwesto sa bakanteng mesa malapit sa pintuan ng Restaurant ang magkaibigan. Kita nila ang mga dumadaan pero dahil tainted ang glass wall ng resto, hindi sila kita sa loob.

Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan habang kumakain nang may biglang pumasok na pares na familiar sa kanya.

Una itong nakita ni Jovilyn dahil s’ya ang nakaharap sa entrance. 

Napatda ng makitang si Nelson ito at may kasamang babae. 

Habang nakatingin sa menu board sa counter ang dalawa ay sweet na sweet ito na magkahawak pa ng kamay habang pumipili ng oorderin. Kung hindi mo sila  kilala ay mapagkakamalan mo talaga itong mag asawa o magkasintahan sa sobrang kasweetan. 

Dahil hindi alam ni Jovilyn ang sasabihin, kinalabit nito si Sonia sabay nguso. Itinuturo ‘yong kanyang tinitingnan sa counter.

Nilingon ni Sonia at Jhefherly ang inginuso ni Jovilyn.

Nanlaki ang kanilang mga mata ng makitang si Nelson ito. Hindi sila nito napapansin dahil busy sa pakikipagbulungan sa kasama habang nakatingin sa menu board.

Kilala ni Sonia ang kasama ng kanyang asawa. Si Lhou, teller sa bangkong pinagtatrabahuan ni Nelson. Gusto n’yang sugurin ang asawa. Sampal- sampalin at sabunutan ang babaeng malandi na ‘yon. Ngunit hinawakan s’ya ni Jhefherly sa braso. Tinitigan s’ya nito ng makahulugan tsaka huminahon.

    “Friend, kalma ka lang okay? Hindi maganda na mag eskandalo ka dito.” Pabulong na sabi ni Jhefhey.

   “Ano ang gusto mong gawin ko, tingnan lang ‘yong asawa ko na nakikipag-lampungan sa Lhou na yan?”

       “Kilala mo ‘yong babae, friend?”

      “Oo. Si Lhou. Teller na  kasamahan ni Nelson. Ang mga walang hiya. Kaya pala…hu hu hu” pahikbing sabi ni Sonia. Galit na galit s’ya pero pilit n’yang pinipigilan ang sariling ‘wag magwala.         

     “Makikita ng mga walang hiyang ‘yan. Lintik lang ang walang ganti”.

“I can’t believe this Friend.., all this time tama pala ang hinala mo. Kaya pala sabi mo nanlalamig na ang asawa mo sayo, ‘yon pala  may kinakalantari ng iba. Tsk tsk tsk.” Di makapaniwalang sabi Jhef.

     “Yong babae naman, alam naman n’ya sigurong may asawa si Nelson diba?”

   “Oo naman. Pinakilala na ako sa kanila ni Nelson no’ng minsang napadaan ako sa bangko.”

   “Hindi nya pwedeng gawin sakin to..humanda kayong dalawa…akala nyo maloloko n’yo pa ako ah.”  sabi na lamang nito sa sarili. Kung may plano man sya, hindi na ito dapat malaman ng kanyang mga kaibigan.

Samantala….

Hindi napansin nina Lhou at Nelson sina Sonia. Parang may sarili silang mundo. Walang pakialam kung may makakita man sa kanila. Si Nelson ay kampante lang din dahil ang buong akala nya ay nasa bahay lang ang kanyang asawa. 

Pagkatapos mag order ay agad naghanap ang mga ito ng upuan sa bandang loob ng restaurant na ,’yon. Agad namang tumayo si Sonia at sinundan ng tingin ang dalawa.

Pinigilan sya ni Jhefherly sa kanyang pagtayo dahil ang akala nito ay susugurin ang asawa at ang kabit nito.

      ” ‘Wag kang mag alala friend. Kalma ka lng. Akong bahala.” sabi nya sa kaibigan na may makahulugang ngiti. 

Nagtaka naman ang mga ito ng lumapit s’ya sa counter.

      “Excuse me miss…pwede paki tawag ako pag nand’yan na ‘yong order ng dalawang kasama ko?” Nagdududang tiningnan s’ya ng cashier.

      ” ‘yong kakaorder lang. Si Nelson at Lhou. Mga kaibigan ko ‘yon. Gusto ko lang silang sorpresahin, hindi kasi nila alam na dumating na ako galing abroad. Matagal din kaming ‘di nagkita kita.” Nginitian pa nito ang cashier ng pagkatamis tamis para hindi na magduda. 

    “Ako nalang maghahatid ng pagkain nila. Pwede ba? Cge na pls…..”

 “Cge po ma’am…no problem.” pagpayag ng cashier na ngumiti na rin.

   “D’yan lang ‘yong table namin beside the door..ok?” Sabay turo at talikod narin.

“Ano ba’ng plano mo friend?” tanong ni Jhef.

“Just wait and see!”

Tinawag ng cashier si Sonia ng ma ready na ang order ng kunwaring mga kaibigan nya.

Agad n’ya itong kinuha. Bitbit ang tray ng mga pagkain ay naglakad s’ya at hinanap ang upuan ng asawa. Nakita n’ya ang mga ito sa pinaka loob sa bandang gitna. Halos magyakapan ito at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanila. Mabilis s’yang lumapit na hindi man lamang s’ya napansin. Agad n’yang ibinuhos ang isang tray ng pagkain sa asawa at sa kabit nito. Nagulat ang mga ito at biglang napatayo. Napasigaw si Lhou sa sakit dahil napaso sa umuusok pang soup na nakalagay sa mangkok. Hinimas naman ni Nelson ang ulo dahil sa kanya tumama ang mga pinggan at baso.

“OH I’m sooo sorry….” nakangiting sabi nya sa mga ito. Pinagtitinginan na sila ng lahat.

Nahimasmasan naman ang dalawa at agad tiningnan ang babaeng nanghingi ng sorry.

       “SONIA???” gulat na sambit ni Nelson sa pangalan ng asawa.

“Sorry tlaga…” kinuha pa ni Sonia ang mga nakasabit na mga pagkain sa damit at buhok ni Lhou at inihilamos dito sa panggigigil, ngunit panay ang paghinge ng sorry. 

Nagtataka man ang mga nakakakita ngunit wala ni isang nakialam. Inirapan n’ya pa ang asawang si Nelson saka nagmamadaling umalis. Niyaya ang mga kaibigan na tulala pa at hindi makapaniwala na magagawa ni Sonia ang ganun.

Mangiyak ngiyak naman si Lhou dahil sobra itong napahiya. Huminge nalng ng pasensya ang pamunuan ng restaurant sa nangyare.

Dahil sira na ang araw ni Sonia, nagpahatid na lamang ito sa mga kaibigan. Gusto s’yang damayan ng mga ito dahil depress s’ya ngunit mas gusto n’yang mapag-isa kaya walang nagawa ang mga ito.

Iyak ng iyak si Sonia sa kanilang kwarto sa sobrang pighati. Buong buhay n’yang pinangarap magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. Ano ba ang naging

kasalanan n’ya kung bakit pinagdadaanan n’ya ito ngayon? Nasa gano’n s’yang sitwasyon ng marinig ang sasakyan ng asawa. Maagang umuwi, taliwas sa sinabing may overtime ito. Dali dali syang lumabas ng kwarto para salubungin ito. Pagpasok ni Nelson ng pintuan ay s’ya namang labas n’ya sa pintuan ng kwarto. Agad n’yang dinampot ang kung anong mga bagay na kanyang makita at pinagbabato dito.

” WALANG HIYA KAAAAAA…BAKIT MO NAGAWA SAKIN TOOOOHH!!!

sabay bato ng flower base sa asawa. Tinamaan ito sa braso dahil hindi napaghandaan ang pagbato ni Sonia.

” MANLOLOKO KA….PAGKATAPOS NG LAHAT NG PAGMAMAHAL KO SA YO AT PAG AALAGA…ETO LANG GAGAWIN MO SAKIN?” sabay bato na naman ulit ng mga picture frame nila at kung anu-ano pang nadadampot ni Sonia. Panay ilag naman si Nelson habang unti-unti na itong nakalapit sa asawa. Niyakap nito ang asawa na todo piglas at walang tigil sa  pagsampal. May suntukin s’ya nito at kalmutin sa sobrang galit. Todo pigil naman sya sabay ang paghingi ng tawad dito.

 “Patawarin mo ako ‘ling…(short for darling). Hindi ko sinasadyang gawin sa’yo to. Mahal kita ngunit napasubo na ako kay Lhou.”

“ANONG IBIG MONG SABIHING NAPASUBO? WALANG HIYA KA. MATAGAL N’YO NA SIGURO AKONG NILOLOKO NG MALANDING YON ANO?

“Buntis si Lhou…at ako ang Ama.”  nakayukong sabi nito kay Sonia

“NAPAKA WALANG HIYA NYO! MGA BABOY KAYO…BAKIT KASALANAN KO BA NA HINDI TAYO NAGKAKAANAK HANGGANG NGAYON…AT NAG ANAK KA SA IBA?” 

Lalo pang sumiklab ang galit ni Sonia sa narinig. Pinagtatadyakan na nya si Nelson sabay sampal, sambunot at kng anu ano pang maisipan nyang gawin. Ngunit hindi napapawi ang galit sa kanyang puso. Hindi nya ito maPapatawad.

“HIWALAYAN MO ANG BABAENG ‘YON… KUNG HINDI IPAPAKULONG KO KAYO PAREHO…PWEDE MO NAMANG PANAGUTAN ANG BATA.”

“Sorry Sonia…patawarin mo ako…Mahal ko si Lhou.”

 “ANO?”

Parang bomba ito sa padinig ni Sonia. Kahit ang pagtawag lang sa kanya ni Nelson sa kanyang pangalan at hindi na darling gaya ng nakasanayan na nya ay sadyang nagpayanig at nagpaguho sa natitira nyang pagtitimpi. 

Wala na siyang nagawa kundi ang humagulgol. At ang tanging lumabas sa kanyang salita ay…

” Lumayas ka! “ habang patuloy sa pag iyak n nakasalampak sa sahig.

Agad namang pumasok ng kwarto si Nelson at kumuha ng mga damit. Paglabas nito ay may dala ng bag. Mukhang desidido na nga itong iwan siya. 

Bago lumabas si Nelson ng bahay nila ay narinig pa nya ang huling binitiwang salita ni Sonia. 

“ISINUSUMPA KO… PAGSISISIHAN NYO ANG ARAW NA TO. HUMANDA KAYO… PAGBABAYARAN N’YO NG MALAKI ANG GINAWA NYO SA’KING PANLOLOKO.”

Pasigaw nitong sabi. Parang nakikiayon ang panahon sa kanyang pagdadalamhati. Ng bigla nalang kumulog at kumidlat.

Bumuhos ang malakas na ulan. Dere- derecho lang si Nelson sa kanyang sasakyan at dali dali ng umalis. Tuluyan na nga nyang iniwan si Sonia.

Pag alis na pag alis ni Nelson ay agad pumasok si Sonia sa kanilang kwarto. Ito na ang tamang panahon para magamit ang pinamana sa kanya ng kanyang lola. Mahigpit ang bilin nito na huwag gamitin kung hindi sa matinding pangangailan, at ito na nga sa palagay nya ang tamang panahon.

Isang maliit na baul ang kanyang binuksan. Isang lumang-lumang papel na nakatupi at korteng puso na itim na buto. Malaki lang konte sa buto ng kalabasa.

Agad nyang binasa ang nakasulat sa papel.

Sambitin ng tatlong beses:

“SA MASIDHING PAGDADALAMHATI IKA’Y PAKIKINGGAN,

ISUBO ANG BINHI NG KADILIMAN AT ITOY MAIIBSAN… 

PAGHIHIGANTING INAASAM IYONG MAKAKAMIT, 

UMPISAHAN NA AT TAMIS NG TAGUMPAY ANG KAPALIT NG PAIT.”

“SA MASIDHING PAGDADALAMHATI IKA’Y PAKIKINGGAN,

ISUBO ANG BINHI NG KADILIMAN AT ITOY MAIIBSAN… 

PAGHIHIGANTING INAASAM IYONG MAKAKAMIT, 

UMPISAHAN NA AT TAMIS NG TAGUMPAY ANG KAPALIT NG PAIT.”

“SA MASIDHING PAGDADALAMHATI IKA’Y PAKIKINGGAN,

ISUBO ANG BINHI NG KADILIMAN AT ITOY MAIIBSAN… 

PAGHIHIGANTING INAASAM IYONG MAKAKAMIT, 

UMPISAHAN NA AT TAMIS NG TAGUMPAY ANG KAPALIT NG PAIT.”

Wala na ngang sinayang na sandali si Sonia. Hilam pa ng masaganang luha ang kanyang mga mata. Ni hindi na sya nag isip ng kung ano pa man. Tanging paghihigante ang naghahari ngayon sa kanyang puso.

Agad nyang sinubo ang itim na buto na hugis puso. At syay nakiramdam ng mangyayare. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala. Wala yatang epekto ang butong ‘yon. Niloloko lang yata s’ya ng kanyang Lola. Sa pagkakasalampak sa sahig at agad siyang tumayo at humiga sa kanyang kama. Parang hapung-hapo ang kanyang pakiramdam. Hindi maalis sa kanyang isip ang nangyare sa kanya. 

Ang masayang pagsasama nila ni Nelson ay biglang napalitan ng agarang paghihiwalay ng dahil lang sa Lhou na ‘yon. Kung ganda lang naman ay ‘di naman sya pahuhuli dito. Kung kasexyhan din ay may ipagmamalaki naman sya. 

Pero bakit pinagpalit siya ng asawa? ANAK…yon ang dahilan. Nabuntis ito kaya mas pinili ito ng kanyang asawa. Ngunit wala siyang pagkukulang. Hindi nya kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila magkaanak. Magbabayad silang lahat. Pati ang batang walang kamuwang-muwang na dinadala ni Lhou sa kanyang sinapupunan ay madadamay sa kanyang paghihiganti.

Nakatulugan ni Sonia ang mga isiping ‘yon. Nasa kahimbingan sya ng pagtulog ng gisingin ng pagsakit ng chan. Sobrang sakit na hindi nya maintindihan. Sumisigaw na sya sa sobrang sakit. ParAng bumabaligtad ang kayang sikmura. Namimilipit sya sa sakit. 

Nang biglang lumindol. Inaalog alog sya sa kanyang kama. Lumakas din ang hangin na hindi nya maintindihan kung saan nanggagaling dahil sarado naman ang kanyang bintana at pintuan. Naka- aircon naman ang kanyang kwarto kaya hindi pwedeng ganun kalakas ang hanging idudulot nito.

Kasabay ng paglindol at paghangin ang malakas na sigaw ni Sonia.

“AAAHHHHHHHHHHHH”

Biglang may lumitaw na anino sa kanyang harapan. Nakakakilabot ang imahe nito dahil para itong isang hayop may mahabang buntot at sungay.

“BWAHAHAHAHAHA” isang nakakalilabot na tawa ang kanyang narinig. Nakakatindig balahibo na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.

“MAGALING…ANAK KO… NGAYON NA ANG ORAS NG ‘YONG INAASAM NA PAGHIHIGANTI. IPAMALAS MO ANG KAPANGYARIHAN IPINAGKALOOB SA YO NG KADILIMAN… BWAHAHAHAHAHA” 

Parang nawala sa kanyang katinuan si Sonia. 

“AHHHHHHHHHH” sigaw nito at unti unti ang pagbabago ang kanyang itsura. Ang kanyang mga mata ngayon ay mistulang mga bolang apoy na nagbabaga. Ang kanyang mga kuko ay humaba. Lumabas din ang kanyang mga pangil. Nawala narin ang anino sa kanyang harapan. Parang takam na takam si Sonia sa di nya malamang dahilan. 

“BWAHAHAHAHAH, NGAYON,  MATITIKMAN NINYO ANG AKING PAGHIGANTI. BWAHAHAHAHA.” 

Bago umalis si Sonia ay humarap muna sya sa salamin. Biglang bumalik sa dati ang kanyang hitsura. Ganon nga. Kaya nyang itago ang kanyang bagong anyo. At kapag makaramdam sya ng matinding galit ay saka na lalabas ang halimaw sa kanyang katauhan. Nagbihis sya ng napasexing damit. Ipapakita nya sa asawang nagkamali ito ng iwan sya.

Samantala…

Masayang sinalubong ni Lhou si Nelson sa gate ng bahay nila ng makita nya ito sa bintana na bumaba ng kotse at may bitbit na bag.

“Love..im so happy…sa wakas masosolo na rin kita.” tuwang tuwa ito sabay yakap. Tsaka nya siniil ng halik ilang lalaki. Di rin mapigilian ni Nelson ang sarili na madarang sa halik ng babae. Agad nya itong binuhat at dinala sa kwarto nito. At doon nila pinagsaluhan ang bawal at mainit na tagpo. 

Pagkatapos nun ay nakatulog si Nelson. Di parin maalis sa kanyang mukha ang saya dahil sa wakas ay naagaw nya ang lalaki sa asawa nito. Isa na sya ngayong certified home wrecker. Dahan dahan s’yang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Sa sala s’ya nag tungo bitbit ang kanyang cellphone. Tinawagan ang kaibigang si Jel.

“Hello marz?” Tanong nito sa kausap sa cp.

“Oi Marz. Napatawag ka? May problema ba?” nagtatakang yanong nI Jel

 “Wala naman Marz. May ikukwento lang ako sayo.” nakangiti pa nitong sabi sa kausap. Halatang excited na magkwento.

“Ano yon Marz? Mukhang excited ka ah?”

“Si Nelson kasi… akin na siya Marz “

“Papanong nangyari yon? Pano ang asawa nya?” Nagtatakang tanong nito.

“Ganito kasi ‘yon Marz…iniwan na nya si Sonia. Nandito nga s’ya ngayon eh. Ayon nakatulog. Napagod kasi sa… alam mo na. hahahah. Di nga ako makapaniwala eh.”

“Ano ba ginawa mo ba’t mas pinili ka nya? Ibang klase ka rin talage eh. Baka mamaya n’yan kasuhan kayo ni Sonia.”

“Wag ka maingay Marz ha. Secret lang natin ‘to. Sinabi ko kasi kay Nelson na buntis ako.”

“Ano? buntis ka?”

“Hindi nga. Sinabi ko nga lang sa kanya ‘yon. Kaya ayon… tuluyan n’ya ng iniwan si Sonia. Tsaka nahuli kasi kami ni Sonia sa resto kanina kaya siguro napasubo na si Nelson.”

“Goodluck nalang talaga sa inyo Marz. Sana di n’yo pagsisihan ‘tong ginawa n’yo kay Sonia. Tsaka ikaw… ‘pag nalaman ‘yan ni Nelson na ‘di ka pala totoong buntis…”

“Ako ng bahala don. Basta promise.mo.marz.wag kang.maingay ha?”

“OO na. O cge na babye na at magluluto pa ako ng dinner. Btw…2 days nalng pasko na. Yong regalo ko ha?”

“Akong bahala sayo Marz. Sige bye na rin at baka magising na si Nelson.” Ibinaba na ni Lhou ang cp at tumayo na papasok sa kwarto ng makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Hindi nya muna ito nilapitan hinintay muna kung kakatok pa muli. Ilang segundo pa ay nakarinig sya ulit ng katok at medyo malakas na kaysa sa nauna. Hinintay pa muna nya kung kakatok pa ulit ito. Wala naman kasi syang inaasahang bisita. Bihira ring may pumuntang kapit bahay sa kanya. Maya maya pa ay may kumatok ulit at medyo mas malakas na kaysa kanina. Pagbukas nya ng pinto ay nagulat sa nabungaran. Si Sonia. Nakangiti ito ng ubod tamis na parang nang iinsulto. Sobrang sexy nito sa blouse na off shoulder at black skinny jeans. Pinasadahan nya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagulat man ay hindi sya nagpahalata.

“Anong ginagawa mo dito? At pa’no mo nalaman ang bahay ko?” Pasinghal nyang tanong dito.

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?”

“Ano nga ang ginagawa mo dito? Di mo ba alam na tresspassing ka?”

“Ako pa ngayon ang tresspassing? Hmmmm???? Sino kaya ang nag tresspassing sa buhay namin ng asawa ko? Di ba ikaw?” Unti unti ng lumalabas ang galit ni Sonia. Tinulak nya pa si Lhou papasok sa loob at biglang isinara ang pinto. 

Unti unti naring nagbabago ang kanyang mga mata. Nagbabaga na ito ang at kanyang mga kuko ay biglang humaba. Agad nyang sinakal si Lhou. Nagulat naman ang huli at nahintakutan sa nakikitang pagbabago sa anyo ni Sonia. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagsakal sa kanya at lumabas na rin ang mga pangil ni Sonia. Handa na s’yang lapain nito. Dahil sa hilakbot ay nahimatay si Lhou.

Wala namang kaalam alam si Nelson sa nangyayari sa labas dahil himbing na himbing sya.

Nagising si Lhou na nakahiga sa kama. Nang igalaw nya ang kanyang mga kamay ay ‘di nya ito magawa. Nakatali ito sa kama pati ang kanyang mga paa. Nakabusal din ang kanyang bibig kaya kahit anong pagsisisigaw ang gawin ay hindi sya maririniģ nino man. Hindi pamilyar sa kanya ang kwarto. Naalala nya bigla si Sonia at ang hitsura nito. Sisigaw na sana sya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Sonia sa nakakakilabot nitong anyo. Para itong gutom na lumapit sa kanya. Tumutulo ang laway nito at nanlilisik ang mga mata. Sigaw ng sigaw si Lhou. Ngunit halakhak naman ang isinagot ni Sonia.

“Ngayon, matitikman mo na ang aking paghihiganti!”  nakakalokong sambit ni Sonia na papalapit na papalapit sa kinaroroonan ni Lhou.

Ungol lang ang maririnig kay Lhou dahil sa busal nito sa bunganga.

Agad dinamba ni Sonia si Lhou sa kama at hinablot ang mga damit nito. Pinasadahan nya ng tingin ang hubad na katawan ni Lhou at humalakhak ng malakas na parang sa demonyo. Sigaw ng sigaw si Lhou kahit may busal ang bunganga nito.

Agad namang ibinaon ni Sonia ang kanyang mga matutulis na kuko sa dibdib ng babae. At unti unti nitong hinihiwa ang dibdib ni Lhou pababa hanggang sa tiyan. Halos mabaliw si lhou sa sobrang sakit na nararamdaman. Bumulwak ang dugo. Tumutulo pa ang laway ni Sonia habang nakatingin sa dugong umaagos sa katawan ni Lhou. Humarap sya rito at pinadaanan ng kanyang kuko ang noo pababa sa ilong ni Lhou. Pabiling biling naman ito at iniiwas ang mukha. Habol ang hininga na hindi magtatagal ay malalagot na dahil sa unti unting pagkaubos ng dugo. Ngunit bago pa ito malagutan ng hininga ay agad nyang dinukot ang mga mata nito. Pinilas ang mukha at tinanggal ang busal sa bibig sabay pinasubo dito ang sariling mga mata. Umubo ubo pa si Lhou at unti unti nang nangingisay dahil sa brutal na ginawa sa kanya ni Sonia. Dinukot din nito ang chan ni Lhou sa kadahilanang ang bata sa sinapupunan nito ang dahilan kung bakit nagawa syang iwan ni Nelson. Wala ng buhay si Lhou. Inamoy amoy pa ni Sonia ang mga laman loob na nadukot nya sa chan ni Lhou ngunit wala syang maamoy na palatandaan na may buhay na namuo sa sinapupunan nito. Lalo syang napaungol ng malakas. Malamang na nilinlang lang sila ni Lhou. Dahil sa sobrang galit ay nilapa nya ito. Kinain nya ang mga laman loob at sinipsip ang natitirang dugo nito sa katawan. Parang baboy na kinatay ang hitsura ni Lhou dahil sa karumal dumal na ginawa sa kanya ng halimaw na si Sonia. Ngayon, nakaganti na sya dito. Isa na lang ang kanyang sisingilin. Ang kanyang asawang si Nelson.

Sa bahay naman ni Lhou ay umaga na ng magising si Nelson. Agad nyang kinapa sa tabi nya si Lhou ngunit wala ito. Agad syang bumangon at lumabas ng kwarto. Hinanap nya ito sa buong bahay ngunit wala rin ito. Baka lumabas lang at may binili naisip ni Nelson. Ika 24 na ng Dec. Ngunit may pasok pa sila sa bangko. Agad syang naligo at nagbihis para pumasok. Kung saan man nagpunta si Lhou ng walang pasabi ay bahala nalang itong sumunod mamaya. Tutal magkikita naman sila sa bangkong kanilang pinagtatrabahuhan. Pagkabihis ay lumabas na ng bahay para umalis. Bigla s’yang natigilan dahil naalala si Sonia. Hindi kasi sya nakakaalis ng bahay ng hindi nag aalmusal o kahit kape lang bago pumasok ng trabaho, ngunit pinalis na lamang ang isiping iyon.

Sa Bangko, ilang oras na ay wala parin si Lhou. Late na ito at wala manlang txt o tawag kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siya. Lumapit sa kanya si Jel at nagtanong kung bakit wala si Lhou. May pinuntahan lang ang tangi nyang sagot. Ngunit pati sya ay naguguluhan narin. 

Natapos ang maghapong trabaho ngunit walang Lhou na nagpakita. Tinawagan nya ang cp nito pero ring lang ng ring. Kaya agad syang dumerecho nang bahay nito pag labas sa trabaho. Pagdating nya ng bahay ay wala paring Lhou na sumalubong sa kanya. Hindi gaya dati na kapag naririnig palang nito ang kanyang sasakyan na parating ay agad na itong nasa gate para salubungin sya ng yakap at halik.

“Nasaan na kaya ang babaeng yon?” Sa isip ni Nelson. Pumasok siya sa kwarto. Nakita nyang nakalapag sa tabi ng lampshade ang cellphone nito. Halatang hindi ito nagamit maghapon dahil puro miss calls nya ang naka register dito. 

“Siguro may surpresa sakin yon.?” Nakangiti pang sabi ni Nelson sa sarili. Wala man lang sya ni katiting na pag aalala kay Lhou na mula umaga hanggang hapon na hindi nya ito nakikita. Siguro nga susurpresahin sya nito. Unang pasko kasi nilang magkasama. 

Nagbihis na lamang sya ng pambahay at nanood muna nga tv. Ilang minuto pa ay naidlip na si Nelson.

Di nya namalayang may isang nilalang na nakapasok sa bahay at ngayon ay papunta na sa kanilang kwarto.

Naabutan nitong himbing na himbing si Nelson habang naka andar parin ang tv.

Unti-unting nagigising ang ulirat ni Nelson ng maramdaman ang masarap na sensasyon sa kanyang ibabang bahagi. Dahan dahan nyang iminulat ang mga mata at nakitang nasa ilalim ng kumot ang kung sino mang may gawa sa kanya ng kaaya ayang sensasyong iyon. Pinabayaan niya lang ito. Dinama ang kaaya ayang pakiramdam. Halos umungol sya sa sarap, darang na darang na sya, napapaliyad sa sarap ng bigla itong sinakmal ng kung sino man na nasa ilalim ng kumot na yon. Napasigaw sa sobrang sakit si Nelson. Agad tinanggal ang kumot na nakatakip sa pang ibaba nya para mapatda sa mabungaran.

“MERRY CHRISTMAS, DARLING”  nakakaloko nitong ngiti na puno ng dugo ang mga labi. Nakasuot pa ito ng sombrero ni Santa na lagi nitong suot kapag pasko. Namumula ang mga mata at nakalabas ang mga pangil.

“MASARAP BA?”  bwahahahaha” tanong sa kanya ni Sonia kasabay ng malakas na pagtawa na parang demonyo.

“SONIA?” tanging nasambit ni Nelson bago sya lapain ng sariling asawa. Sinakmal sya nito sa leeg. Bumulwak ang masaganang dugo saka winakwak ang kanyang dibdib at chan. Takam na takam si Sonia sa ginagawa. Ang katawang kanyang sinamba at pinagsilbihan ng mahabang panahon, ngayon ay kanyang nilalantakan. Sarap na sarap sya sa ginagawa. Pati ang ari nito ay hindi nya pinalampas.

Halos hindi na makilala si Nelson ng tigilan ni Sonia. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na sa dati ang hitsura nito. Naging normal na ulit ngunit punong puno sya ng dugo. At hindi maipagkakailang sya ang may gawa ng karumal dumal na kriming iyon.

Nabaliw si Sonia pagkatapos ng pangyayaring iyon. Kaya imbes na sa kulungan ng mga kriminal ay sa mental sya dinala na halos araw araw ay dinig ng kahat ang kanyang sigaw…

ANDYAN NA SIYA… KUKUNIN NA NYA AKO… ANG DEMONYO… ANDYAN NA…”

Ikaw.. Oo ikaw na nagbabasa nito, Taksil kaba? Mag ingat ka, sa pagbabalik ni Sonia…

ABANGAN ang next Sequel ng SONIA, entitled.. 

SONIA: VIGILANTE

Authors note: If you happen to bump into this story in the past, please message me directly without releasing any unnecessary statements. Thank you.

Kindly click the heart if you like the story and feel free to comment. ’till next time.

Copyright © 2020 

All rights reserved, including the right to reproduce or copy this story or portions thereof in any form whatsover.

Recommended5 recommendationsPublished in One Shot, Thriller

Spread the love

This Post Has 11 Comments

  1. Pauline

    Ohhh gosh besh….maski nasa docs q lang to ibang klase pa rin kng dito q mismo babasahin iba kasi ang excitement pag naka lapag na d bah….well Sonia did her part kasi subrang sakit nga Naman ang ginawa ni Nelson….kng sakin mang yari yun I’ll do the same….

    Great work besh….I can’t wait for the sequel….I know marami ka pang naka reserve jan…..love you 🥰🥰 I’m your #1 fan, support u all the way….

    1. naku besh, pag ako hahayaan ko Na. Dami dyan sa tabi tabi. Ano sya lang pwede manakit at manloko? 😁
      Thank you besh for ur love and support always😘😘😘

  2. Well that escalated quickly, who would have thought that this cheating situation would turn out to become a hellish and bloody incident. Your story is fiction but it signifies the monster that a woman becomes inside her soul when the love is being replaced by anger and hate. Love gives us life but when it is turned upside down it will take the life out of us. Ang galing mo ate @xandrajx, can’t wait for the next chapter 💕💕💕

    1. thanks for reading bro. Nose bleed ako sa comment huh. 😂
      Anudaw???😂😂😂

  3. Kyle

    Worth it ba na ipag palit Yong paging human para lang maka pag higanti.so,harsh love the story and I wasn’t expecting that she will became a demonic monster I thought she will became a witch.but a demonic monster wow you surprised me brava.a 5star story for me from 1to 10.,this story is a certified 20 love it.

  4. Kyle

    At first I thought she’s a black witch.,much worst pla, she’s a monster.a demon monster.,but I can’t blame her sometimes .,you don’t think Lalo na kapag galit ka.again beautiful stories there’s goose bumps and more excitement.nice love the story.ms,X🌹

  5. Marymiee

    Ang ganda po. Ung tipong sa unang basa palang makukuha na agad ‘yong atensyon mo. Will be waiting for the sequel <3