Lost (Aling Pasing)

Spread the love

Re-post

~~~~~~~~

“Bess asan na tayo huhu natatakot ako, ano bang lugar to bat walang katao-tao at gutom na gutom na ako.” Sabi ng kaibigan ko habang naiiyak.

Mag p-pitong oras na kaming palakad-lakad sa lugar na to. Nang sumakay kami ng bus pauwi ay bigla na lang may nang hold up sa amin kaya lahat ng gamit namin ay kinuha at pinababa kami sa lugar na hindi kami pamilyar.

” Wag ka ngang umiyak dyan para kang bata, tsaka gutom na din ako no san tayo kakain nyan wala tayong kapera-pera.” Yamot kong sabi.

“Pisti kasing tulisan nanyon eh sabi ng mag iwan ng tig p-pipti satin para may pambili tayong pagkain. Kala mo gwapo eh mukha namang si ‘Pano mo nasabe’ ang kingina.”

Kung wala lang siguro kami sa ganitong sitwasyon kanina pa ako humahagalpak ng tawa sa kabaliwan nya. Hmp! Raulo talaga.

Patuloy lang kami sa paglalakad ng may nakita kaming mga kabahayan pero mga wala silang ilaw.

“Bat wala silang kuryente dito parang taghirap yong mga tao dito.” Sabi nya habang kumakapit sa braso ko.

“Tumahimik ka nga dyan, dun muna tayo pagod na ako eh.”

May nakita akong mahabang upuan na gawa sa kahoy kaya dun kami umupo. Tiningnan ko yong kaibigan ko yamot na yamot sa mga lamok at todo kamot.

“Bess namn baka pag uwi ko samin di na ko makilala ng parents ko, mangangayat ako dito. Wala pa nga tayong kain tas sipsip pa ng sipsip tong lamok”

Dahil sa marami talaga ang lamok ay naglakad-lakad na lang kami habang wala syang tigil sa kakadada at kakareklamo.

Wala pa ring mga ilaw sa ibang kabahayan kaya madilim ang daan dahil na rin sa mag a-alas 11 na ng gabi.

Bess makapaghapunan na tayo hihi don tayo oh makikikain, so ano tara?”

Turo nya don sa may lamay na di kalayuan sa amin at agad ko naman syang binatukan.

“Siraulo ka ba? Kita mong may lamay don kilaka mo ba yon ha? Kahiya ka. Kakain na nga sa may patay pa.”

“Eh anong gusto mo mamatay tayo sa gutom dito ha? Akong bahala halaika na basta umarte ka lang gayahin mo lang ako.”

Pagkasabi nya non ay hinila nya ang kamay ko palapit don sa may lamay. Marami ang taong nakiramay, lahat matatanda at nakaitim habang kami nakapulang damit at white short.

Naloka ako ng patakbo syang lumapit sa kabaong habang humihiyaw kaya napasunod ako para sana pigilan sya pero huli na nakalapit na sya sa kabong at niyakap habang umiiyak.

“Tatay huhuhu bakit mo ako iniwan. Pasensya na kung ngayon lang ako dumating tay” Hiyaw nya habang yakap ang kabaong.

“Sana noon pa pinatawad na kita huhu tay patawarin mo rin ako huhu please tatay bumangon ka dyan”

Ako ang nahiya sa pinagsasabi nya. Tumingin ako sa palibot at lahat ng tao ay nagtatakang nakatingin samin.

Kaya bumuntong hininga ako at lumapit sa kaibigan ko hinimas ko ang likod nya at pumekeng umiyak.

“Huhu bess masaya na ang tatay mo kung nasan man sya ngayon tumahan ka na dyan alam nyang napatawad mo na sya” sabi ko pa habang hinihimas likod nya.

Kita ko yong pagyugyog ng mga balikat nya at mas lalo syang sumubsob sa kabaong. Rinig ko yong mahinang hagikhik nya.

Bwesit!

“Alam ko yon bess huhu tatay ko po mahal na mahal kita” Sabi nya pero bumungisngis ng mahina.

Baliw talaga.

Best actress may luha pa talaga ang galing pagdating sa kalokohan.

Pasimple akong tumingin sa paligid lahat ay nakatingin pa rin sa amin at nagtaka kaya ginalingan ko pa ang acting ko.

“Bess huhu tulungan mo ako” Mahina at hirap nyang sabi habang mahigpit ang kapit sa kabaong.

“Bakit?” Pagtataka ko.

“Yongkabaong mahuhulog, puta ang bigat napapadausdos” Hirap nyang sabi habang nakahawak sa kabaong at pasimpleng tinulak para bumalik sa dati nitong pwesto.

Kinagat ako ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa kita kong hirap syang ibalik sa pwesto kaya lumapit pa ako at humawak sa kabaong at pasimple ko ring tinutulak habang umiiyak.

Buti na lang bago pa may lumapit sa amin ay naibalik na namin sa ayos ang kabaong.

“Ineng kilaka nyo ba si aling Pasing?” Takang tanong ng matanda sa amin.

Nagkatinginan naman kami ng kaibigan ko. Lagot na!

“H-hindi po sya si tatay?” Lumapit pa sya sa kabaong at nilapit ang mukha malapit sa salamin.

“Oh my god si nanay pala to huhu diyos ko nan-“

Bago pa sya humiyaw ay hinila ko na sya palabas. Takbo lang ako ng takbo habang hila-hila ko ang kamay nya.

“Ano ka ba naman bess. Kainis ka naman eh gutom na ako. May nakita akongg nag served ng kape at biskwit dun kanina eh” Inis nyang sabi sa akin.

“Seryoso ka ba talaga don ha? Para tayong sira ulo. Epic failed. Di mo man lang tiningnan ang bangkay kung babae ba o lalaki dinamay mo pa ako sa kabaliwam mo” Natawa nmn sya sa sinabi ko.

“Eh sa gutom na nga ako, ang naisip ko lang ay umakting pagkatapos makikikain na tayo. Kainis naman kasi tong si aling pasing.” Napapailing na lang ako sa kabaliwan nya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng may nakita kaming matandang babaeng nakatayo malapit sa malaking puno at nakatalikod sa amin.

Ilang beses namin syang tinawag pero di nya nilingon. Kaya napagdesisyunan naming lapitan.

“Ale– ok lang po ba kayo?” Tanong ko sa matanda.

Lumingon sya sa amin at bigla na lang nangindig ang mga balahibo ko sa lahat ng parte ng katawan ko. Si aling Pasing galit na nakatingin sa amin.

“Binashtosh nyo ang lamay ko mga nakapulang dayuhan, nagyon kayo naman ang paglalamayan.” Ngitngit nyang sabi dahil sa wala syang ngipin ay kita namin ang gilagid nya.

Napasigaw naman ako at biglang napatakbo sa takot habang ang kaibigan ko ay napatulala at nanginginig.

“Bess takbo!!!” Sigaw ko sa kanya.

Pero bago pa sya makatakbo ay nahawakan na sya ni aling pasing. Itinulak sya nito kaya napahiga sya sa lupa at agad namang dinaganan.

“Bess wahhh tulungan mo ako huhu. Umalis ka dyan aling pasing.. Waaagg” Iyak nyang sabi.

Di ko alam kung anong gagawin ko natatakot ako. Nakita ko na lang na lumaki ang bigbig ni aling pasing at kinagat ang leeg ng kaibigan ko.

“Wagggggg aling pasing maawa po kay– hihihi buset kang bungal ka nakikiliti ako dyan hihihi. Wala ka nga pa lang ngipin hayop!” Sabi nya at tinulak ng malakas ang matanda.

Kaya lumapit ako sa kaibigan ko at tinulungang bumangon pagkatapos ay kumaripas na kami ng takbo habang nagpupunas sya ng luha nya.

“Walangyang matandang yon kala ko mamamatay na ako. Lakas ng loob mangangat.”

Nang makalayo-layo na kami ay tumigil muna kami at nagpahinga. Hingal na hingal pa kami sa layo ng itinakbo namin.

“Bess dito muna tayo pagod na ako” Sabi nya na agad ko namang sinang-ayonan.

Habang nagpapahinga kami ay bigla na lang humangin ng malakas at nakarinig kami ng malakas na tawa. Pa iba ibang tawa ng matanda.

“Ha ha ha ha kala nyo matatakasan nyo ako? Mga hangal he he eh eh” Sabi nya habang naglilisik ang mga mata.

Kaya tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa wala na kaming matakbuhan dahil sa bangin na kasunod.

Umiiyak na kami ng kaibigan ko habang magkayakap. Habang ang matanda naman ay tawa ng tawa.

“Ngayon isasama ko kayo sa pupuntahan ko ha ha ha”

“Maawa po kayo sa amin huhu wag po aling pasing “

Hindi kami pinakinggan ng matanda at tawa lang sya ng tawa.

“Bess tatalon tayo, mas gusto kong mamatay na lang sa pagtalon sa bangin kaysa sa hinayupak na pangit na bungal na yan” Sabi nya na agad ko namang sinang ayonan.

“Pero isasama natin sya papatayin natin sya sa ikalawang pagkakataon ” Dagdag nyang sabi.

Tinaas nya ang mga manggas ng damit nya pag katapos ay patakbong lumapit sa matanda at niyakap sa baywang kaya lumapit na din ako para hawakan ang kamay nito.

Tinutulak namin ang matanda palapit sa bangin.

Nagkatinginan muna kami ng kaibigan ko bago tumalon pero bago pa yon ay nagsalita muna sya.

“Walang hiya kang matanda ka kung naging lalaki ka lang edi sana nakakain na kami kanina pa. Bwesit ka!”

Pagkatapos nyang sabihin yon ay sabay kaming tumalon habang tawa lang ng tawa ang matanda.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng likod ko sa matigas na bagay at may narinig akong mga halakhak.

Pagmulat ko ng mata ko ay bumungad sa amin ang adviser naming galit na galit habang ang mga kaklase namin ay tumatawa.

“SLEEPING. IN. MY. CLASS. AGAIN!!!!!! Miss Santos at Miss De los reyes!!! Kayo na naman? Get. The. Fuck. Out!!!!!” Sigaw ni Maam Mae Noppos.

Dali-dali naman kaming bumangon ng kaibigan ko mula sa sahig. Nahulog pala kami sa upuan habang nakatulog kaya pala ang sakit ng likod ko.

“Shit! Sakit ng likod ko bess kinginang guro talaga yon. Bagay talaga sa kanya yong pangalan nya eh boring namang magturo” sabi nya na ikinatawa ko.

Umakbay ako sa kanya habang papunta kami sa canteen at tawa pa rin kami ng tawa.

Nang nasa canteen na kami buti na lang ay di mahaba ang pila kasi wala pa masyadong studyante.

“Anong gusto nyong pagkain ineng?” Gulat kaming napatingin sa babae.

“ALING PASING!!!!!”

Sabay naming sigaw ng kaibigan ko at kumaripas ng takbo palabas ng paaralan.

THE END!

.

HAHAHA corny alam ko. Naisip ko lang sya kaninang madaling araw and natapos din kaya parang minadali. Short story nga kasi.

Skip muna tayo sa kalibugan ah xD

Bye bye.

Recommended4 recommendationsPublished in Adventure, Comedy, One Shot, Thriller

Spread the love

This Post Has 3 Comments

  1. Pauline

    😂😂😂😂 very classic babe pero pina hagalpak muh q sa tawa hahahaha kinagat ng walang ipin…galing 👏👏👏