Dilig: Minsan Halaman, Minsan Ikaw (Kabanata Tres)

Spread the love

                             Chapter Three

Gaya ng nakasanayan, umuwing pagod na pagod si Mary Anne sa tinutuluyang apartment ngunit batid niyang domoble ang pagod na kaniyang nararamdaman ngayon. Bago siya nahiga sa kaniyang kama at matulog, nagawa na niya ang dapat gawin. Pero dahil sa tindi ng pagod, hindi na niya naalalang nasa ulo pa nito ang tuwala. 

Kinahapunan, nagising na lang siya dahil sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa labas ng bahay. Idagdag pa ang nakaiiritang boses na tumatawag sa kaniya. Base sa timbre ng tinig ng nasa labas, may ideya na siya kung sino iyon. Matinis, masakit sa tenga kung pakikinggan— isang witch! Isang witch na hindi mapakali kapag hindi siya nakakabayad ng renta na para bang tatakasan niya ito. Sana nga! Pinag-iisipan niyang isang araw takasan na lang ang may-ari ng apartment. Pero saan naman siya pupunta kung gagawin niya iyon? Sa ilalim ng tulay? 

“NANDIYAN NA!!” Halos makita ang paggalaw ng ngala-ngala niya sa ginawa nitong pagtugon nang malakas.

Napakamot pa siya sa bunbunan bago lumabas ng kwarto. Inis na inis siya hindi dahil sa nandito ang may-ari ng apartment na kaniyang kinaroroonan. Iyon ay dahil sa biglaang gising niya, nakaramdam tuloy siya ng pagkirot sa kaniyang ulo. 

‘Aaray!!’

Napa-upo na lang siya sa sahig habang sapo ang bahagi ng noo na nauntog nang buksan niya ang pinto. Hindi ba marunong maghintay ang kanilang Landlady? Ito na nga ang naka-istorbo, ito na ang pinagbuksan… ito pa ang may ganang itulak ang pinto. Well, pera ang pinag-uusapan kaya ganoon iyon.

Tumayo si Mary Anne nang walang pagrereklamo. Sapo pa rin nito ang bahaging natamaan ng pinto, alam niyang mamumula iyon dahil sa lakas nang impact niyon ng tumama ito sa kaniya. Nakakita pa nga siya ng mga bituing pumapaikot sa kaniyang ulo dahil sa nangyari.

“Aba naman! Mary Anne, baka nakakalimutan mo, a-nuebe ngayon ng Agusto,” nakapamaywang na wika ni Aleng Lydia. Napangiwi naman siya sa nalaman. Akala niya sa susunod pa na linggo ang bayaran. Pero parang lalagnatin siya sa narinig. 

“Aleng Lydia,” bahagyang tumawa si Mary Anne kahit peke na sinabayan pa ng pagkamot sa ulo nito. “Puwede po bang sa isang linggo na lang? Wala pa kasi akong sweldo,” aniya habang nakikiusap sa Ginang na hindi marunong magsuklay ng buhok, laging animo’y dinaanan nang malalakas na hangin. Salaula sa buhok!

Sa katunayan, may pera na siya pero hindi pa iyon sapat para makabayad siya. Kung pwede nga lamang uling buraotin ang Landlady ay ginawa niya na iyon. Pero dahil palaging na-e-extend ang pagbabayad niya, marahil hindi na siya makalulusot sa pagkakataong ito. Dahil alam niya, may sa gahaman ang ginang kapag pera ang pinag-uusapan.

“Naku! Mary Anne, sinasabi ko sa iyo. Kapag hindi ka nagbayad sa oras na maningil akong muli. Makikita mo na lang ang mga gamit mo sa labas ng apartment na ito.” Bakas sa tinig ni Ginang Lydia ang pagkairita. Ang kaniyang dalawang malalaman na braso ay nakatugod sa kaniyang magkabilang baywang. Palihim na napangiwi pa si Mary Anne nang mapansin na naka-daster lamang ang matanda.

Dahil sa inasta ng Ginang, napangiti na lamang sa isip si Mary Anne dahil tila umayon na naman sa kaniya ang pagkakataon. Pero hindi niya batid kung hanggang kailan aayon sa kaniya ang panahon. Dapat makadelihensiya muna siya ng pera dahil kung hindi siya makabayad sa muling pagbabalik ni buruka, panigurado na sa isang kumpas ng nangungulubot nitong mga kamay ay titilapon sa labas ang kaniyang mga gamit. 

Sa mga nakalipas na araw, madalang ang tips na natatanggap niya. Sapat lang sa pambili ng pagkain niya at pamasahe. Nag-grocery rin siya sa palengke nang Martes ng tanghali kaya halos wala ng pera ang naiwan sa pitaka niya.

Umalis si Ka Lydia na nakakunot ang noo. Buti sana kung clear skin ito kaso sa ginagawa niyang iyon balak niya atang pisakin ang mga tigyawat niya na tila nagpupulong sa noo niya.

“Kailangan ba talaga na doon sila magsitumpukan?” bulong ni Mary Anne habang nakatanaw sa papalayong witch. Kinalibutan pa siya sa iniisip niya. 

Nang tuluyan ng nawala sa paningin niya ang Ginang, agad niyang isinara ang pinto nang pabagsak. Bigla na naman niyang naalala ang nangyari kanina kaya aksidente niyang nahawakan ang noo niyang namumula. Naiinis talaga siya sa witch na iyon. Kailangan pa tuloy niyang lagyan ng band-aid ang malapit nang bumukol sa noo niya.

Pumanhik siya sa kaniyang silid para sana muling matulog ngunit nang mapatingin siya sa oras ng kaniyang selpon, naisipan niyang gumayak na lamang. Dahil sa biglang pag-iba ng hangin kanina, nawala sa isip nito na maaga pala ang pasok niya. Mag-a-ala sais na ng gabi nang lisanin niya ang inuupahan. Nakalimutan pa nito na magsuklay dahil sa pagmamadali. Kaya mga daliri na lang nito ang ginamit na panuklay. Ayos na iyon kaysa humarap siya sa mga kostumer na sagurang ang buhok. Hindi niya yata maaatim iyon. 

Nang makapasok siya sa bar na pinagtatrabahuhan, nagtungo muna siya sa isang kwarto na tanging ang mga personnel lamang ang may access para makapasok doon. Sa loob niyon ay nakahilira ang mga locker. Ang bawat isang employee ay may kaniya-kaniyang locker sa loob. Doon nila inilalagay ang mga gamit bago simulan ang kanilang gawain.

Binuksan ni Mary Anne ang locker na para sa kaniya. As usual, tumambad na naman sa kaniya ang isang box ng lemon square. Kahit umay na siya sa pagkaing iyon, kailangan pa rin niyang tanggapin at kainin ang mamon. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na may isa sa kaniyang katrabaho ang may lihim na pagtingin sa kaniya. Paano ba naman niya hindi malalaman, e’ kung ang lalaki na ang gumagawa ng ikahahalata nito. Pero ayos lang, ang mahalaga may mamon siya tuwing gabi. Kahit nakakaumay nang kainin. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang isang sulat na nakalagay lang sa tabi nito. Kinuha niya iyon at binasa. 

[Good evening, my future girl. Hope you have a nice day. Another lemon square for you. Sana hindi ka maumay sa lemon square na ibinibigay ko, dahil gaya niyan, sing lambot ng mamon ang pagsinta ko sa iyo. Sorry, alam kong corny pero hindi ko mapigilan. ‘Wag kang magpapakapagod, ha.]

Hindi alam ni Mary Anne kung ano ang tamang maramdaman niya matapos mabasa ang nasa note. Napa-iling-iling na lang siya habang sinasabi sa sarili na, “Man are Man, they’re all the same.” Tumatanggap siya ng pagkain, oo. Pero ang mag-ipon ng note mula sa kaniyang so-called admirer ay hindi niya gawain. Kaya kinuha niya ang note, hinati sa dalawa bago itapon sa trash can na nasa loob din ng locker room.

Nang mailagay nito ang kaniyang dalang gamit, isinara na niya uli iyon bago mapagpasyahang lisanin ang silid para pumunta sa counter. Naabutan niya sina Clarisse, isa sa mga dancer at si Miko na nagkakatuwaan. Luminga muna siya sa paligid para tingnan kung marami na ang kostumer. Laking pasasalamat niya dahil hindi pa lalampas ng sampu ang mga kostumer na nandirito ngayon. 

“Nagkakasiyahan kayo, ah. Anong meron?” saad niya nang makarating siya sa pwesto ng dalawa. 

Napagawi ang tingin sa kaniya ng binata na nakahalumbaba pa. “Oh, ikaw pala, Mary Anne. Good evening.” The way Miko smiled towards her, it brings uncomfortable feeling inside of her stomach. Parang may kung anong kumikiliti sa kaniyang pagkababae sa tuwing namamasdan niya ang ngiti ng binatilyo.

Hindi niya mapagkakaila na may itsura ang lalaki. Mula sa kulot nitong buhok na hindi naman gaanong kalaguan, manipis na kilay, bilugan nitong mga mata, hanggang sa labi ng binata. Kung tutuusin nga e’ ito lang ang tanging lalaki na nagkaroon siya ng paghanga. Na kahit ang kaniyang sariling ediyolohiya ay hindi niya ma-i-apply sa taong ito. Nagtataka nga siya dahil parang niloloko nalang niya ang sarili sa mottong siya lang ang nakaaalam.

Ipinikit niya ang mga mata nang mamalayan niyang sa mga labi ng binata siya nakatingin. ‘Ano ba ang ginagawa mo, Mary Anne? Lalaki siya. At ang mga lalaki pare-pareho lamang.’ Kustigo ng isip niya. Ngunit iba ang sinasabi ng kalooban niya. ‘Pero exempted siya. Aminin mong may paghanga ka sa kaniya.’ anang tinig sa frontal lobe niya. 

‘Oo, tama! Gus— Teka, hindi Mary Anne. Hindi mo siya pwedeng magustuhan. Lalaki siya. Lalaki siya. Lalaki siya.’

“Arrgg!!” she groaned unintentionally. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa. Tila nagtataka sa biglaan niyang pagsigaw nang mahina. Ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa kaniyang buhok at pilit sinasabunutan ang sarili.

Napaayos siya ng tayo nang makaramdam siya na may nakatingin sa kaniya. And then, she saw the two wearing a ‘what-happening-to-you-look’. Ilang segundo ang dumaan bago niya napagtanto ang kaniyang ginawa. Nanlaki ang dalawang mata niya  saka iniyuko niya ang kaniyang ulo upang hindi makita ni Miko na namumula siya.

‘Hala! Pa’no na ito? Nasabi ko ata ang naisip ko.’  

“Okay ka lang ba, Mary Anne? Why naman nayuko ka?” Kuryosidad na tanong ni Clarisse. “Oh siya, maiwan ko na kayong dalawa dahil mag-start na ang performance namin.” Nagpaalam na si Clarisse bago magtungo sa backstage ng maliit nilang entablado

Hanggang sa makaalis ito, nananatili pa ring nakatingin si Mary Anne sa sahig na parang may namataang dumi roon kahit wala naman. Pero sa totoo lang, nahihiya siyang tumunghay dahil hindi pa rin humuhupa ang init na naglalakbay sa kaniyang mukha. 

Napapitlag siya ng may humawak sa kaniyang balikat. “Ayos ka lang ba, Mary Anne?” Anang boses ng binatang kaharap niya na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang kalooban dahilan upang mas lalong pamulahan siya. 

‘Hindi ‘to normal. Hindi talaga ito normal.’ Nagsusumamo ang tinig sa kaniyang isip. Bakit ba siya nagkakaganito. Oo, aaminin niya, crush niya si Miko. Pero hanggang paghanga lang!

‘Oo, paghanga lang ito.’ She mentally shook her head to erase the thought, as if it was like a virus in her system.

“Mm-mm okay lang ako,” aniya bago tumunghay, “o-okay lang ako.”

“May sakit ka ba? Look, namumula ang mukha mo. Are sure, okay ka lang? At saka, na paano ’yang noo mo?” may pag-aalala sa boses na tanong ni Miko sa kaniya. Ano bang problema ng lalaking ito. Hindi pa ba sapat na marinig nito ang salitang ‘okay’ para malaman nitong ayos lang si Mary Anne. 

“Ah, hindi nauntog kasi ako kanina sa bahay… alam mo na tanga-tangahan lang,” pagdadahilan niya na sinabayan pa niya ng pagtawa. Hindi na niya sinabi ang totoo na kagagawan iyon ng kaniyang Landlady. 

“Isang bucket ng vodka para sa table 3. Mary Anne, ikaw na ang magserve, may order pa akong dadalhin sa table 9.” She felt relieved when Peter entering the scene. Napansin niya pa ang kararating lang na lalaki na ngumiti sa kaniya. 

“Oh, s-sige. P-Paano ba, Miko, start na ng work ko.” She was trying to maintain her posture towards the two guys especially to Miko. 

Hindi na niya hinintay ang tugon ng binatang bartender dahil kaagad siyang pumunta sa isa pang barista upang humingi ng isang balde ng vodka. Huminga siya nang malalim dahil sa isiping ginawa lang iyon ni Peter dahil nagseselos ito kay Miko. Halatang-halata talaga ang kaniyang admirer. 

Bitbit ang bucket ng muli siyang maparaan sa pwesto ni Miko. Nang magtama ang kanilang mga mata, may kung anong emotion siyang nakita sa mga ito. Nag-aalala ba siya? Pero ang emosyong iyon ay napalitan ng isa pang emosyon. Emosyon na hindi niya alam kung paraan saan. Bilang ganti, ngumiti siya sa binata kahit nahihiya pa rin siya rito para lang maipakita na ayos lamang siya, at hindi nito kailangang mag-alala sa kaniya.

These past few days mula nang may estrangherong nagpakilala sa kaniya. Hindi na niya uli nakita ang anino nito sa Bar. O sadyang naging abala lang siya kung kaya hindi niya ito napapansin. Hanggang ngayon, memoryado niya pa rin ang itsura nito. Mula sa buhok, mukha, mata at labi. Ang labing kay sarap humalik. Ang labing kay sarap kung maglakbay sa kaniyang kataw— ‘Anoo!!’ Her eyes got widen to the thought that almost driving her insane.

Nahihibang na ba siya para pagnasaan ang isang taong wala rito? At kung nasaan man ang lalaking iyon, ipinagpapasalamat niyang hindi ito nagpunta sa bar ngayon. Dahil hindi niya alam kung may maihaharap pa ba siyang mukha sa oras na muli silang magkita. Pero isa sa nakapagpainis sa kaniya, matapos siyang angkinin ng lalaking iyon noong gabi ring iyon ay bigla na lang itong hindi nagpakita sa kaniya. Dahil kahit noong nagising siya ng alas tres ng umaga, matapos nilang pagsaluhan ang makamundong gawain, marating ang tuktok ng kalangitan, ay ni isang sulat wala itong iniwan. Anong klase itong lalaki? May nalalaman pa itong pag-angkin sa kaniya pero— palibhasa, pinairal nito ang karisma at pag-ka-la-la-ki, siya naman itong agad naniwala sa tinuran ng binata. Para tuloy may kung anong nagpabigat sa kaniyang kalooban. Marahil tama siya, sex lang ang habol ng lalaking iyon sa kaniya. At nang makuha nito ang pakay sa kaniya, dinaig pa ang bula kung maglaho.

Oo, inaamin niyang hinahanap ng kaniyang mga mata ang pigura ni Wendell, hinahanap ng sistema niya ang presensiya ng lalaki, at hinahanap ng katawan niya ang katawan lalaki. Kung paano siya nito angkinin. Kung paano siya nito halikan sa labi, halikan sa buo niyang katawan. Kung paano nito paligayahin ang pagkakabae niya, ipasok ang tatlong daliri nito at kalikutin ang loob ng kweba niya at maging ang klitoris niya. Kung paano itinutok at ibinaon ng lalaki ang armas nito sa base niya. Dama pa rin niya. Dama pa rin niya ang kahabaan ng lalaking bumaon sa kaniyang kaselanan. Ang paglabas-masok sa kaniyang naglalawang hiyas. At ang pag-ulos nito nang marahas, ramdam niya pa rin. Ngunit bakit bigla na lang naglaho ang lalaki?

Napahawak si Mary Anne sa kanang bahagi ng leeg niya kung saan hindi na halata ang pulang marka roon na kagagawan ng lalaking iyon. Noong sumunod na araw, matapos na may nangyari sa pagitan niya at ni Wendell, kinailangan niyang maglagay ng mahabang tela sa leeg niya para lang maitago ang kiss mark doon, at kapag may pumupuna sa kaniya, ang dahilan niya ay bagong estilo niya iyon sa pananamit.

Huminga nang malalim si Mary Anne bago punasan ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya kasi na parang inihalintulad siya ng lalaking iyon sa isang babaeng bayaran dahil matapos siya nitong pagparausan ay bigla nalang siyang iiwanan. Muling huminga nang malalim ang dalaga.

“Kapag nagkita tayo, dadapo ang palad ko sa mukha mong lalaki ka.” Mahinang sambit niya. Iniiwasang may makarinig sa sinasabi niya.

Para hindi niya isipin ang binatang iyon, nagpokus na lang siya sa trabaho niya. Ngayong gabi kasi hindi naman ganoong karami ang mga kostumer. Pero hindi rin naman ganoong kaunti. Kumbaga kahit sunod-sunod ang pagseserve niya ay hindi siya gaanong makararamdam ng pagkapagod sa kaniyang mga ginagawa.

Series Navigation<< Dilig: Minsan Halaman, Minsan Ikaw (Kabanata Dos)
Recommend0 recommendationsPublished in 18+, Drama, English, Filipino, Romance

Spread the love

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Copyrighted Content

This website uses cookies to ensure you get the best experience on our website.