Baryo Kalumpang

Spread the love

Linos! Linos! ! Bangon ka na nga riyan aba tanghali na! Nanaghinip ka nanaman ata ng mga lobo ano? Tapos sasabihin mo nanaman sakin “Mama mama nakakatakot sila kakainin nila tayo mama, mama mama help mama”! Naku tama na yang kahibangan mo ha at tulungan mo na tatay mo sa pangangaso at pangangahoy! Linos!!!! “

Umaga palang ay umaalingawngaw na sa buong baryo ng kalumpang ang boses ng Nanay ni Linos. Si Linos 20 taong gulang ay kaisa isang inaasahanng mga magulang niya sa mga gawain at yong iba niyang kapatid ay mas bata pa sa kanya. Si Linos din ang minsang natulong sa kanyang tatay kapag nangangaso ito kahit labag sa loob niya. Ayaw niya kasing maging mangangaso katulad ng kanyang ama at naaawa siya sa mga hayop na namamatay. Kaso bilang isang panganay kailangan niyang tumulong at walang ibang tutulong sa tatay niya kundi siya lang. Pero kahit ganunpaman, siya ay nag aaral ng polisya at isang taon nalang ay matatapos na siya. 

“Aaghhh, kainis naman oh, si nanay kasi eh ang ingay kasi eh.. Naputol tuloy panaghinip ko, nasa climax nako eh! Malalaman ko na sana ang susunod na mangyayari eh! Sayang! Muntik ko na siyang makita siguro ang ganda niya.. “ pangitingiting si Linos habang dahan dahang tumatayo mula sa kama. 

“Oh anong maingay? Ako maingay? Bakit? Nanaghinip ka nanaman ba ng lobo? “ Pabiglang sabi ng nanay ni Linos

“Oh nay! Jan pala kayo? kagulat naman kayo nay! Hindi po lobo, iba po panaghinip ko ngayon nay, baka lovelife ko na nay.. Sayang nga lang di ko nakita ang mukha niya, ang ingay niyo po kasi abot hanggang kabilang baryo boses niyo, sino po di magigising, naputol tuloy panaghinip ko. 

“Ahhy ganun ba anak..? Wow.. Edi magkakalovelife ka na pala anak? Parang sa mga fairytale story lang? Tapos nakadisturbo papala ako nuh kasi nagising ka! So gusto mo di kita pakainin ha?! Normal lang yang lovelife dahil kahit ako may lovelife din, ang papa mo! pero sa ngayon tumayo ka na jan, at tumulong ka muna sa tatay mo ha at mamayang gabi mananaghinip ka pa ulit ok? Hala, sige na, lakad! 

“hehehhe opo nay sige na tama na kayo love you! “

Pagkatapos kumain ni Linos, sinamahan na niya, ang kanyang ama sa bundok para mangaso. 

“Ayon! Patay! Bilis Linos puntahan mo doon yung isa ilagay mo na sa kariton” utos ng ama niya. 

Kinuha nga ni Linos ang patay na lobo na may panghihinayang sa mga ito. 

“Tay? Hanggang kailan po natin ito gagawin sa kanila? Nakakaawa po sila baka mamaya matotoo po yung panaghinip ko na… 

“Na ano? Anak, kung hindi natin ito gagawin, wala tayong kakainin sa hapagkainan.. “

Nanghuhuli sila ng lobo dahil itoy benebenta nila sa bayan upang gawing mga jacket damit ang balahibo ng mga lobong ito. Dito kumikita sila at pinantutustos sa gastusin lalo sa pag aaral ni Linos. Ang nanay naman ni  Linos ay nasa bahay lang, umaasa lang din sa peperahin ng asawa niya. Halos lahat din ata ng mga tao dito ay panghuhuli ng lobo ang kabuhayan. Si Linos ay nalulungkot at natatakot sa puwedeng mangyari dahil may pangitain siyang nakikita sa kanyang panaghinip ngunit iniisip nalang niya na hindi iyon mangyayari. 

Pagkatapos nilang makakuha ng limang lobo ay umalis na sila at  dumiritsu na sa bayan para ibenta ang mga nadakip nilang lobo. 

“Ahm kuya, alam niyo ba san ang daan papuntang bundok kalumpang? “tanong ng isang dalagita. 

Ngunit pagkakita ni Linos sa dalagitang ito, natulala siya at di makapagsalita dahil sa sobrang kagandahan ng dilag na ito..Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong,maputi, mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan, nasa 5’6 ang height pang model ang dating, ibang klase ang ganda niya at mukhang mayaman. 

“Hala..parang siya ata yong nakita ko sa panaghinip ko… shocks ang ganda niya… siya na kaya yon..? Wowww ganda grabe….”

Nasabi ni Linos sa sarili habang nakatitig sa babae. 

“kuya? Kuya? Hoi kuya!? Anong nangyari sa kanya he is so weird! Sabi ni Mercedez na kaibigan ni Jing

“Ah, ako ba, tinatanong niyo!? ah eh.. Oo alam ko, ah dun kami nakatira, dun banda yan pakaliwa lang kayo at may daan jan diritsu lang kayo makikita niyo na ang bundok.. 

“Ah ok kuya gets na namin.. Salamat po ah.. Cg po..” tugon ni Jing

Sila Jing at mga lima pa niyang kasama ay mga kabataang nasa 19 at 20. 

Sila ay mga kabataang galing pa sa ibang syudad na mga adventurous at  hindi mapalagay kapag di makapag hiking. Wala kasing pasok noon, at holiday kaya ang mga kabataang ito ay nakahanap ng pagkakataon para makapagpa unwind. 

Umuwi nadin sina Linos sa bahay nila pagkatapos mabenta ang mga patay na lobo. Habang sila ay nakain, nagkausap usap ang pamilya. 

“Tay, siguro tigilan na po natin ang panghuhuli ng mga lobo, nakakatakot na po kasi baka dumating yung panahon na magalit na sila satin at lusubin po tayo ng mga lobo katulad nung nakita ko sa panaghinip ko po”.  Nasabi ni Linos na napapakamot pa sa ulo habang nagsasalita. 

“Ano? Hindi mangyayari yan! Magpapaniwala ka sa panaghinip mo ano ka? Propeta? Alam mo ang mangyayari sa hinaharap? Isa pa mga hayop lang yan tayo mga tao! Kaya wag ka matakot jan, at imposibleng mangyari yan!” Natatawang sagot ng tatay niya. 

Di nalang kumibo pang muli si Linos at tinapos nalang niya ang kanyang pagkain. Pagod nadin kasi siya at kailangan na niyang matulog. May kaba sa dibdib si Linos dahil iniisip niya padin yung panaghinip niya na baka maging totoo yong paglusob ng mga lobo sa kanilang lugar kaya nag isip siya ng paraan paanong gagawin kung mangyari man iyong panaghinip  niyang nakakatakot. Sinulat niya ang mga plano niya at kinabukasan, iyon ang isusuggest niya sa pamilya at mga kapitbahay nila. 

Samantala, ang mga kabataan ay nasa bundok kalumpang nadin ng gabing iyon, nakabuo ng tent at nagbobonfire habang nagkekwentohan ng katatakotan. 

“May isang puno ng kalumpang, at may isang tikbalang waaahhhhh!!! “ pananakot ni Miguel 

“Ano ba Miguel! Ayaw ko ng ganyang kuwento nakakatakot kaya! Yung nakakatawa nalang! “ ang reklamo ng takot na si Mercedez. 

“Ang laki laki mo na takot ka parin! Edi sana di ka na sumama dito kung ganyan ka ano ba naman yan umuwi ka na now na! “ pabirong sabi ni Miguel

Habang ang mga kabataan ay nagkukulitan at nagtatakutan, si July naman ay mag isang naglalakad sa may di kalayuan sa kanila.. Napansin ito ni Jing kaya sinundan niya si July.. 

Napansin ni Jing na habang naglalakad si July ay tila bagang nagsasalita ito na parang may kausap. 

“Bakit siya nagsasalita? May sira naba utak niya? Sino ba kausap niya? “napatanong sa sarili si Jing na patuloy paring sinusundan si July. 

“Hhaaaa?!!! Totoo ba yang sinasabi mo? Paano kami? Baka may mangyari samin!” takot na nasabi ni July. 

“Bukas bago sumapit ang dilim umalis na kayo dito at lulusob ang mga lobo sa mga tao, dahil sumusobra na sila, inuubos na kasi nila ang mga lahi ng mga lobong ito,marami na silang napapatay. hayop nga sila pero may mga pamilya din sila, at may karapatan silang mabuhay kaya gusto nilang maghigante. Nakakgimbal  ang mangyayari! “

“Hoi July! Ano ka ba sino ba kausap mo jan? Kanina pa kita sinusundan eh halika na nga, madilim na dito! “ pag aalalang sabi ni Jing. 

Ngunit si July ay umiiyak nung humarap sa kanya at natatarantang nag explain na may nakausap raw siyang diwata, sinabi niya rin sa mga kaibigan niya ang puwedeng mangyari ngunit ang iba ay di naniwala sa kuwento niya kaya mas lalo siyang umiyak. 

“Ano ba kayo paniwalaan nalang natin siya malay niyo totoo.. Totoo man o hindi maigi nading umuwi na tayo bukas agad at sabihan natin ang mga tao para alam nila. “Tugon ni Jing. 

“Sabihan ang mga tao? Baka mamaya di sila maniwala satin nuh sabihin pa eh gawa gawa lang tayo ng kwento naku naman. “ tutol ni Mercedez. 

“Ang importante nasabihan padin natin sila.. “ sagot ni Jing. 

Habang nag uusap ang mga magkakaibigan, bigla silang natakot nung may narinig silang angungol ng mga…. 

“Awwwoooohhhhhhhh,,, wooohhh… awooohh… woohhhh… “ito ay tunog ng lobo hindi lang ng iisang lobo kundi ng maraming lobo…. 

Sa takot nila ay nagtago na sila sa kanilang mga tent at nagdasal. Natigil din ang alulong ng mga lobo at sila ay nakatulog na. 

Kinabukasan ay dali dali na nilang tinanggal ang kanilang mga tent at dali daling nag ayos ng kanilang mga gamit para sila ay makaalis na. 

“Sayang naman, sinabi ko pa naman sa mommy ko na limang araw tayo dito tapos isang gabi lang pala, ito kasing si July eh gawa gawa ng kuwento hindi naman totoo! “

Galit na sinabi ni Alfred. 

“Edi kung di ka naniniwala sakin, edi magpaiwan ka dito! Kayong lahat! Magpaiwan kayo at ako nalang aalis bahala kayo sa buhay niyo! “ galit na sinabi ni July sabay takbo papalayo sa kanila. 

Hinabol nila si July pero si  Alfred at Judy na kasamahan din nila ay nagpaiwan at gusto pang mag adventure sa bundok na iyon. Hindi nila pinaniwalaan ang sinasabi ni July, ngunit ang iba ay naniwala. 

Noong panahon ding iyon, ay pilit na pinapaliwanag ni Linos sa mga kapitbahay niya ang puwedeng  mangyari kapag pinagpatuloy pa nila ang pangangaso. Nagbigay din siya ng suggestions sa kanila sa kung anong dapat nilang gawin, incase man na lusubin sila ng mga lobo. 

“totoo man yang panaghinip niya, o hindi, wala naman sigurong masama diba kung susundin natin ang sinasabi niya?Para naman ito sa atin at sa ating mga anak. Sundin na nanatin siya! “Pag-sang ayon ng isa sa kanyang mga kapitbahay. 

“Oo nga sige gawin nanatin at nakakatakot naman kapag mangyari iyan” Sagot nadin ng iba. 

Ang suggestion ni Linos ay maghukay sila sa kanilang boundary para incase doon dumaan ang mga lobo ay mahulog ang mga ito sa ginawa nilang hukay, at doon nila ito susunugin.

Mababangis na lobo kasi ang napanaghinipan niya na halos lahat ng tao ay kinain ng mga lobo na ito kaya ito naisip niya ang gumawa ng hukay at dun itrap ang mga lobo. 

Tulong tulong sila sa paggawa ng plano, bata matanda, lahat ang sisipag nila. Ngunit biglang dumating ang tatay ni Linos at pinagalitan siya. 

“Ano ka ba naman anak! Anong pinagsasabi mo sa kanila? Paano kung hindi mangyari yang pinagsasabi mong lulusubin tayo ng lobo, edi mapapahiya ka lang? 

“Pare hayaan mo na, may mga lobo man o wala mabuti na yung nag iingat at handa, para din naman sa atin ito at sa mga anak natin para sa kaligtasan nila. “ biglang pagsagot ng kanilang kapitbahay. 

Sumang ayon nalang ang tatay ni Linos at wala na itong nagawa pa. Kaya nakitulong nalang din siya, kahit may pag aalinlangan pa. 

Mag aalas 5 na ng hapon nang sa di kalayuan ay nakita ni Linos ang mga kabataang galing sa bundok ng kalumpang. Nakilala niya ang mga ito. Ito yung mga kabataang nagtanong sa kanya noong nakaraang araw kung saan ang bundok. Ayun na nga naalala niya si Jing! Yung magandang babae! Pero parang balisa ang mga ito, at parang nagtatakbohan. 

“tumakbo na kayo! Tumakbo na kayo!!! “sigaw ni July. 

“Kuya kuya, paparating na sila nakita namin yung mga lobo, yung mga lobo kuya! Sigaw ni Jing kay Linos. 

“Naku po sabi ko na magkakatotoo nga panaghinip ko!  Mga kasama magtago na kayo sa mga bahay bahay niyo ang ibang mga kalalakihan magbantay sa trap at ihanda po natin ang mga panlaban natin, yung mga apoy ihanda po natin, pati ang gasolina!“ utos ni Linos. 

Agad namang sinunod ng mga tao si Linos pero sila ay natatakot at natataranta. Kahit ang tatay ni Linos at nanay nito ay hindi makapaniwala na magiging totoo pala ang panaghinip ng anak nila. Kaya dali dali narin silang nagtago. Ang tatay naman ni Linos ay nakibantay narin sa trap. 

Pinatago naman ni Linos ang mga kabataan sa bahay taguan na malapit sa trap at doon nga nagtago ang mga ito. Sa di kalayuan naman ay kita na ni Linos at ng mga tao ang mga lobong paparating. Sa sobrang dami ng mga lobo, natakot ang mga tao, pero dahil si Linos ay matatag at matapang, siya ang naging daan para mabuhayan ang mga tao. 

“Humanda ang lahat! Paparating na sila! “  ayon kay Linos. 

Ngunit may sumisigaw sa di kalayuan. 

“Saklolo tulungan niyo kami! Saklolo”

“Alfred? Judy?! Si Alfred at Judy yon! Naku po tulungan natin sila!! “ bulalas ni Mercedez. 

Nakatunggali ni Alfred ang isang lobo pero buti na lang at marunong ito sa karatedo kaya nalabanan niya ang isang lobo sabay takbo silang dalawa ni Judy..kunting hakbang nalang sana at malalapa na sila ng mas maraming lobo pero buti nalang nakaabot sila sa boundary at buti nalang agad na, sumaklolo sina Linos sa kanila para mapadaan sila sa tulay doon sa may trap, pagkatapos nilang makadaan sa tulay, dali dali nilang tinanggal ang tulay at ang mga lobo na humahabol sa kanila ay nahulog sa trap! Kaya si Alfred at Judy ay nakaligtas sa mga lobo. 

“Ihanda ang mga tabak niyo! Tatabakin natin sila sa ulo! Hindi puwedeng sila ang manalo! Wala ng ayawan to! Kailangan nating ipagtanggol ang ating mga sarili at pamilya sa kanila. Laban!!!! “

Sigaw ni Linos habang hawak ang kanyang malaking tabak. 

Paparating nadin ang iba pang  mga lobo sa kanilang lugar. Ang tulin ng mga takbo nito ngunit di alam ng bagong salta ang mga  trap kaya nahulog sila sa hukay. Pagkahulog nila sa hukay, agad naman itong sinabuyan ng mga tao ng gasolina at sinindihan at sinunog. 

May ibang lobo na nakahanap ng paraan para makalusot at makalapit sa mga tao pero ito ay nilabanan ng mga kalalakihan at pinugutan ng ulo! 

Ngunit sa kasamaang palad may ibang taong nilapa narin ng ibang lobo dahil naunahan sila ng mga malalaking lobong ito. Buti nalang ang matapang at matipunong si Linos ay pinagpuputol ang ulo ng mga lobong nakalusot sa trap! Napamangha si Jing habang pinagmamasdan si Linos na lumalaban sa mga lobo tila may nabubuong appreciation sa isip niya. Tila nagugustuhan niya ang matipunong si Linos. 

“Wow, ang laki pala ng muscles niya at ang galing pala niya makipaglaban… Feeling ko, secure ako kapag siya kasama ko… “nasabi ni Jing sa sarili habang nakatulalang nakatingin kay Linos. Hanggang sa.. 

“Miss! Huwag mo siyang galawin papatayin kita urgh! “ 

Muntikan na palang malapa din si Jing ng lobo dahil sa kakatitig kay Linos, buti nalang ay naunahan ni Linos ang lobo at napatay niya ito. Napakagaling naman talaga ni Linos kaya mas lalong namangha si Jing!

“Ok ka lang ba ha miss? “ tanong ni Linos. 

“Ah, ehh… ah.. Eh.. Oo naman! Hoo! Grabe muntikan naku nakakatakot ang laki ng lobo nakakainis yung lobo na yun pahiram nga ng tabak at puputulan ko ng kamay! Sagot ni Jing na para pang natetense pero di lang msyadong pinahalata. 

“Hindi na kailangan, patay na po miss.. Magtago ka na ulit doon at wag ka lalabas. Bantayan niyo kaibigan niyo wag kayong lalabas jan! “ tugon ni Linos. 

Tinapos na nila ang unang batch ng mga lobo pero di nila inasahan na mas may paparating papalang napakaraming lobo!!! Sa di kalayuan ay nakita nila na may thousands pa atang paparating na nagmula pa sa ibat ibang lugar. Hindi na alam ni Linos kung anong gagawin at nag iyakan na ang mga tao sa puwedeng mangyari sa kanila..kaya ang iba ay napadasal na lamang habang nagtatago. Nakita din ito ng mga katabaan lalo si July kaya narealize ni July na kausapin ang mga lobo para mapigilan ang mga ito. Kinausap ni July ang mga tao at sabi niya kakausapin daw niya ang mga lobo.. Nung una ayaw nila baka daw kasi lapain siya pero nanindigan si July. Nung nakarating na sa boundary ang second batch ng mga lobo, lakas loob siyang lumapit sa mga ito at kinausap.. 

“Mga lobo, alam kong masyado na kayong naabala..at alam kong ang mga taong ito ay marami nang nagawang kasalanan sa inyo dahil sa pagpatay nila s inyong mga lahi, sana mapatawad niyo po sila.. Wala lang po kasi silang hanapbuhay kaya nila nagawa iyon”pakikiusap ni July. 

“Hindi puwede! Buhay ang kinuha nila, kaya buhay din ang kapalit! “ sagot ng isang lobo. 

“Opo naintindihan kita, pero sana maintindihan niyo din po na kaya lang naman nila nagawa iyon kasi wala po silang maipakain sa kanilang pamilya,kung idadaan niyo po sa ganitong karahasan ang inyong paghihiganti, mas marami pa pong lobo mamamatay at mas maraming mga bata ang inyong mapapatay.. Maawa po kayo.. Baka pwd pong pag usapan natin ito.? “

Ginawa ni July ang lahat ng buong tapang na nakikipag usap sa mga lobo, para lang makuha ang loob ng mga ito. Pinuntahan nadin ni Linos ang mga lobo at naghingi ng tawad. Ang mga tao ay nakipag usap nadin sa mga lobo at naghingi ng tawad. 

Ngunit nagmatigas padin ang mga lobo, hanggang sa… 

“chorii po sha ginawa ng papa ko, kasi po nangunguha po cha ng lobo taposh po benebenta po niya para daw po kasi may mabili daw po cha gatash ko poh.. Sana po mapatawad niyo po chi papa ko po mga kaibigang cute at mababait na lobo…” Pakikiusap ng isang 4 years old na si Chesca, na kapatid ni Linos. Di nila namalayang nakalabas pala ito ng bahay para makipag usap din sa mga lobo!

Kay Chesca lang naman naantig ang mga lobo at siya din ang dahilan kung kaya ay nakarealize din ang mga lobo na magpatawad nalang din sa mga tao kaysa maghigante. Gumawa ng kasunduan ang mga lobo at mga tao. Nangako ang mga tao na magtatanim na lamang sila ng maraming gulay at prutas para iyon nalang gawing kabuhayan kaysa mangaso. Nangako din silang di na nila uulitin ang pangangaso sa kagubatan dahil inuubos lang ng mga ito ang mga lobo at ibang mga yamang hayop sa kabundukan. Pinangako din naman ng mga lobo na hindi na nila kailanman guguluhin ang mga tao at maninirahan ng matiwasay sa kabundukan. Naging maayos na ang kanilang usapan at nagpatawaran sa isat isa. Pagkatapos noon, ay nag uwian narin ang mga lobo na galing pa sa ibat ibang lugar. 

Ang mga tao naman ay tuwang tuwa sa nangyari at nagpasalamat din sila kay Linos dahil sa pagbigay sa kanila ng alarma lalong lalo na kay Chesca kung saan naantig ang puso ng mga lobo.. 

“Cheska anak halika dito!! Naku anak san ka ba lumusot ha?Bakit di kita nakita kanina na lumapit ka na pala sa mga lobo anak?! Ang liit liit mo pa naman paano kung nakain ka nila ha?! Huwag mo na uulitin yun kundi naku naman talaga naman anak! “ 

“Mama naman, taposh na po nuh! Ok na! Mabait naman chila mama.. “Sagot ni chesca na tuwang tuwa pa. 

“Ahm, Linos? Tama ba? Linos diba name mo? Tanong ni Jing na namumula pa. 

“Ah oo, iyon nga pangalan ko.. Miss.. Ganda… “

“Ahm Jing nalang itawag mo sakin dahil iyon ang name ko.. “

“Ok Jing…, ganda naman ng pangalan kasing ganda niya… “ hirit pa ni Linos sa sarili. 

“By the way, salamat ha kasi tinulungan mo kami ng mga kaibigan ko.. At lalo na yong kanina, na you saved my life thank you so much! I owe my life to you once! “

Pasasalamat ni Jing kay Linos sabay yakap kay Linos. Namula naman siya nung niyakap siya ni Jing na parang kinikilig. 

“Ay sorry ha, natuwa lang kasi ako eh.. Pasensya na.. Basta, salamat talaga sayo..” 

“Oo nga maraming salamat talaga sayo Linos ha! At dahil jan puwede bang makitira muna sa inyo kasi magstay pa muna kami ng matagal dito at di pa kasi tapos yung adventure namin dito eh so ok nanaman ang mga lobo wala ng problema so puwede pa kami dito sa lugar niyo mag explore diba guys? ok lang ba sayo?  “ Suggestion ni Mercedez na parang nakahalata na namumula si Linos at Jing kaya iyon ang kanyang naisip para lubusan pang magkakilala ang dalawang ito.

Since birth kasi wala pang nagiging boyfriend itong friend nilang si Jing kaya naisip ni Mercedez baka si Linos na yong prince charming nito. Medyu nahiya pa si Jing at medyu tumutol pa sa suggestion ni Mercedez pero dahil majority ng friends niya ay pursigido ng magpatuloy sa adventure kaya go nadin siya. Pinaalam ni Linos sa parents niya ang panunuluyan ng mga kabataan sa kanila at pumayag naman ang kanilang pamilya. Malaki naman kasi ang bahay nila Linos at kahit hindi sila mayaman ay nabiyayaan naman sila ng malaking bahay. Isang kahoy na bahay na gawa sa bamboo kaya ang ganda nito at ang presko. Tuwang tuwa ang mga kabataan nung nakapasok sila sa bahay nina Linos. Magdamag silang nagkuwentohan halos wala na silang tulugan. Si Linos naman at si Jing ay nasa labas nagbobonfire nag usap usap about sa buhay buhay at mas lalong kinilala ang isat isa. Makikita mong nagkakapalagayan sila ng loob ng gabing iyon.Nagtagal pa ng ilang linggo ang mga kabataan kina Linos at noong dumating na ang panahon na kailangan na nilang magpaalam sa isat isa ay nalungkot si Linos kasi di na niya makikita pa si Jing. 

“Mag iingat ka sana.. Jing..ah..magdasal ka palagi.. “ payo ni Linos kay Jing. 

“Ikaw din Linos mag iingat ka… ahmm.. Mami.. Ahm wala.. Sige alis na kami.. “ paalam ni Jing. 

Tuluyan na ngang nakaalis si Jing kasama ang mga kaibigan niya. Kaya nalungkot si Linos, napansin ito ng mga magulang niya at pamilya niya kaya sinubukan nilang payohan si Linos. Na imbes malungkot ay mag aral ng mabuti para pagdating ng araw maaabot niya si Jing. Pinakinggan naman ni Linos ang payo ng kanyang pamilya. Nag aral si Linos ng mabuti at isang taon nalang matatapos na siya sa pagiging police. Kapag walang pasok tumutulong siya sa pagtatanim para may pangkain sila. Ginawa niyang inspirasyon si Jing sa lahat ng kanyang ginagawa, ang kanyang pamilya na laging andiyan para sa kanya at higit sa lahat ang Diyos upang Siya ay palakasin pa lalo. Si Jing naman ay patuloy din sa kanyang pag aaral sa kursong Nursing sa isang kilalang unibersidad sa kanilang lugar, at kahit marami itong mga manliligaw ay hindi niya parin makalimutan si Linos. Laging nasa isip niya ang matipunong lalakeng nagligtas ng kanyang buhay at lagi niyang iniisip ang baryo kalumpang. Naniniwala siyang kung sila sa isat isa ni Linos, magiging sila at gagawa ng paraan ang tadhana kung hahayaan ng Diyos. Lumipas nga ang isang taon ay ganap na silang professional sa kanilang mga kursong tinapos. Ganap na police na si Linos at Nurse naman si Jing. Walang ideya si Jing na police na pala si Linos dahil di nito nabanggit na nag aaral pala siya. 

Isang umaga habang nasa outreach sila Jing kasama ang ibang mga nurses sa kalapit na bayan. 

“Sino ba tong lalakeng ito kanina pa ito ha, titig ng titig kala mo kung sino. Nakakainis naman bakit lagi siya nakatitig sakin? Grr…! Bahala ka nga jan.! “

Nasabi ni Jing sa sarili habang nag iinject ng vaccine sa mga residente. 

Nung nagpapahinga na siya ay may biglang kumausap sa kanya mula sa kanyang likuran. 

“Ahm, miss ganda, puwede din po ba ako magpavaccine? Or magpacheck up sa puso ko? Kasi hanggang ngayon hinahanap parin nito ay ikaw.. “

Biglang napalingon si Jing at may naalala siya, ito nga pala yong titig ng titig sa kanya kanina pa! Ito pala ay walang iba kundi si Linos! 

Sa sobrang tuwa ni Jing, nayakap niya si Linos at nasabing

“Nagkita tayo ulit, siguro nga ikaw na yong tinadhana ni Lord for me.. Hmm ako lang ba talaga hinahanap mo sa puso mo?”

“Oo minahal na kita noon paman at honestly ikaw yong babaeng lagi kong napapanaghinipan noon, nakita ko na ang malinaw mong mukha sa panaghinip at ikaw nga iyon. Ikaw, ang tinadhana ng Diyos para sakin. Ikaw, ang inspirasyon ko para makapagtapos at maging police na ngayon. Salamat sayo.. Mahal kita Jing “ pag aamin ni Linos. 

Hindi makapaniwala si Jing sa confession ni Linos,pero dahil may mutual feelings na sila ay inintindi na niya ito. Mas kinilig pa nga siya. Nagkausap ulit sila ng matagal. Nagdedate at kalaunay nagpakasal nadin. Simpleng kasal ang naganap sa mismung bundok ng kalumpang sila ikinasal,kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Ngunit merun silang hindi inaasahang bisita. Ang mga lobo! Sobrang dami ng lobo ang dumating galing pa sa ibat ibang lugar ang umattend ng kasal nila! Gulat na gulat ang lahat pati ang mga bisita ngunit naging maamo ang mga lobo at natuwa pa ang mga tao sa kanila. Para bagang marriage into the woods with the wolves ang dating eh, ang astig! 

Pagkatapos ng kasal, nakausap ulit nila ang mga lobo bago sila nag alisan, at naalala ulit nila ang kanilang pangako sa isat isa, na wala ng mga lobo at mga tao pa ang mag aaway away. Na hindi na huhulihin at papatayin ng mga tao ang mga lobo upang ang mga lobo’y mabuhay narin ng matiwasay sa kanilang tirahan. 

Ang bagong kasal ay nagkaroon narin ng sariling bahay malapit sa bundok kalumpang. Ang mga kapatid naman ni Linos ay nag aaral pa at tinutulungan niya padin ang mga ito. Busy naman sa kanilang farm ang kanyang mga magulang ngunit sa sobrang mapagmahal at malasakit ni Linos inaabotan niya padin ang mga ito ng pera. Dumaan ang anim na buwan, biniyayaan sila ng isang anak na lalake bilang bunga ng kanilang pagmamahalan at mas lalo pang lumakas ang kanilang relasyon kasama ang Diyos bilang isang matibay na pondasyon sa kanilang pagmamahalan. Namuhay sila ng matiwasay at masaya. 

Wakas. 

Series Navigation<< Ang Babaeng LoboNEMESIS >>
Recommend0 recommendationsPublished in Adventure, Comedy, Filipino, Mystery, Romance, Thriller, War, Wolves Of Writing

Spread the love